Wednesday, February 15, 2012

KAHIT ISANG SAGLIT


Bakit ba ganito?
Isip ko'y litong-lito,
Puso ko'y gulong-gulo.
Sino ka nga ba sa buhay ko?

Mula ng ika'y masilayan
Di na nawaglit sa 'king isipan
Ang iyong mga ngiti
Tumatak ng lubusan.

Tinig mong kay lamig
Laging hanap ng aking pandinig.
Sayaw mong nakakaindak
Ako'y napapapalakpak.

Hanggang sa pagtulog
Maging sa paggising
Ikaw ang nasa isip
Ito ba'y pag-ibig o paghanga lamang?

Anong ginawa mo sa simple kong buhay?
I to ay binigyan mo ng kulay,
Kulay na sing ganda ng bahaghari,
kasing liwanag ng sikat ng araw.

Salamat sa inspirasyon
Sigla'y nanumbalik
Ligaya mong hatid ay walang kapalit
Di matutumbasan ng anumang halaga.

Sana'y pagbigyan
Matagal ko ng hiling
Ang makapiling ka
KAHIT ISANG SAGLIT LANG.


Dedicated to: LEE HYUKJAE A.K.A. EUNHYUK



5 comments:

  1. nagiging emotinal ako pag andito ako sa blog mo, music, background lalo na mga posts mo, naiiyak ako.... so much pain nafefeel ko....

    ReplyDelete
  2. ganun ba. sorry naman kasi yan ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.. TT_TT

    ReplyDelete
  3. di ka nag-iisa... ganun din sina bea at yung ibang jewels...

    ReplyDelete
  4. alam ko naman yun...kaya nga pinipilit kong maging masaya dahil alam kong may karamay ako sa kalungkutan

    ReplyDelete